Friday, February 15, 2008
Simpleng Awit at Bukas Muli
I'm working on the script for the Bathhouse - The Musical movie and I'm posting the theme song that was supposedly composed by the lead character Rico in the movie Bathhouse (portrayed by then 18 year old Ray-an Dulay). Immediately after the movie was shown in 2004, I received several emails from those who saw the movie and they asked where they could get a cd copy of the theme song.
The lyrics goes...
Simpleng Awit (lyrics by Crisaldo Pablo and music by Ato Del Rosario)
I
Simple lang ang awit ko, bulong ng nadarama ko
Kahit isang sukling ngiti, ang aking hinihingi
Habang buhay magsasama, habambuhay magsasama
II
Simple lang ang awit ko, bulong ng iniisip ko
Ang titigan mo sana, at magpakilala ka
Minahal ka ng walang hanggan, minahal ka na ng walang hanggan
Refrain:
Kahit isang gabi, mayakap ka ng isang saglit
Mga labi'y magkadikit, at sana'y iyong mahalin
Makakaasa ka, na bukas ay, maalala pa
At laging madarama, halik ng gabing naroon ka...
III
Simple lang ang awit ko, bulong ng minimithi ko
Ang lapitan mo sana, at mayakap pa kita
Ngunit bakit di magkasama, bakit di magsasama?
Refrain:
Kahit isang gabi, mayakap ka ng isang saglit
Mga labi'y magkadikit, at sana'y iyong mahalin
Makakaasa ka, na bukas ay, maalala pa
At laging madarama, halik ng gabing naroon ka...
And for the dark souls, here's the reason why the character Cris, Rico's love interest (portrayed in the movie by Jett Alcantara) has been cynical about true love...
Bukas Muli (lyrics by Crisaldo Pablo and music by Ato del Rosario)
Alam ko na pano nagsimula
Ang walang hanggang katapusan
Paikot-ikot lang, walang pinuntahan
Nadama ko na bawat ikot
ng walang hanggang katapusan
Paikot-ikot lang, walang kahulugan
Sa piling mo, ako'y namamatay nawawalang saysay
Sa bawat oras na kapiling, sa bawat sandaling magkasiping
Sa bawat halik ng katotohanang
Bukas muling maghihiwalay...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment